Ang bayan ko'y tanging ikaw,Pilipinas kong mahal.Ang puso ko at buhay man,Sa iyo'y ibibigay.Tungkulin ko'y gagampanan,Na lagi kang paglingkuran.Ang laya mo'y babantayan,Pilipinas kong hirang!Bayan sa silanga'y hiyas,Pilipinas kong mahal.Kami'y iyo hanggang wakas,Pilipinas kong mahal.Mga ninuno naming lahat,Sa iyo'y naglingkod nang tapat.Ligaya mo'y aming hangad,Pilipinas kong mahal.