Manggagawa at magsasaka
Kabataan at propesyunal
Mga alagad ng Simbahan
Negosyante at pinunong makabayan!
Tayo na at magkapit-bisig
Tapusin ang daan-taong pananahimik
Panahon na upang ang ating tinig
Ay marinig sa buong daigdig!
Tayo na at magsama-sama
Sa pagdurog sa imperyalista
Panahon na upang magkaisa
Lansagin ang pasistang diktadura
Nasa atin ang tunay na lakas
Tiyak nasa atin ang bukas!